Thursday, June 7, 2007
Bakekang
Natapos kamakailan lamang ang Bakekang. Naging popular sa mga manonood ang kasaysayan ng isang pangit na nangarap na gumanda at maging isang sikat na artista. At bilang isang dakilang movie fan, ninais niyang makatuntong sa mundo ng showbiz kahit man lamang sa pamamagitan ng kanyang anak na si Kristal, anak niya sa isang Amerikano.
Likha ng batikang Direktor na si Carlo J. Caparas, unang lumabas ang Bakekang bilang isang komiks. Nailathala ito sa Bonying Komiks. Nang isapelikula ang Bakekang, si Nora Aunor ang gumanap sa papael ni Bakekang at ang pelikula ay dinerek mismo ni Carlo J. Caparas. Sa ngayon, maraming nagsasabing wala nang kopya ng pelikula nito upang muling ipalabas o di kaya ay isa VCD bilang isa sa mga koleksyon ng mga pelikula ng Superstar...
Matagal na panahon din bago muling ginawa ang pelikula, ngayon ay sa pormang pang telebisyon. Bagamat noong una ay pinuna, si Sunshine Dizon ang napiling gumanap ng pangunahing papel mula sa maraming ibang pangalan ng artista na naging bulung-bulungan na gaganap sa papel. Mula sa original na kuwento, nagkaroon ng ilang pagbabago sa kwento ng Bakekang tulad na lamang sa mga naging anak ni Bakekang. Sa Komiks at Pelikula, isa lamang ang anak ni Bakekang at ito'y si Kristal ngunit sa telebisyon, ang naging anak ni Bakekang ay kambal, ito ay si Kristal na maganda at si Charming na isang pangit bukod sa taglay nitong balat na maiitim, ang mga ito ay anak ni Bakekang sa dalawang magkaibang lalaki na parehong dayuhan na ang isa ay Amerikanong puti at ang isa ay nergro. Bagamat maraming bagay ang binago mula sa orihinal na istorya, naging bukambibig pa rin ito ng mga tao at naging matagumpay na palabas sa Primetime.
At ang obrang ito ay mananatili sa mga pilipino bilang salamin ng pang araw-araw na paghihirap at pangangarap sa buhay...
Sa sinumang may kopya ng pelikulang Bakekang ni Nora Aunor, sana i share nyo sa kin, gustong mapanood kung pa'no dinala ni Nora 'tong papel ni Bakekang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment